Mabuhay!
Isang karangalan ang maibahagi ko sa inyo ang aking payak na karanasan sa pag-aaral kasama ang AMY Foundation na pinangungunahan ni G. Alfredo M. Yao
Nagsimula ang lahat sa isang masaya at pangkaraniwang araw sa klase sa Filipino noong fourth year high ako. Nagpapagawa noon ang aking guro na si Gng. Criselda T. Gavilan ng isang sanaysay patungkol sa kung anong nais naming tahakin sa kolehiyo. Habang abala kami sa pagsusulat ay isa isa nya kaming tinatanong kung akong kurso at saan namin balak mag aral. Masigasig sapag sagot ang bawat isa at ibinida ang kanya- kanyang nais tahakin. Noong ako na ay tawagin, lakas loob kong sinabi na gusto ko maging isang magaling na Fashion Designer ngunit batid ko na isa itong magastos na kurso at iilan lamang na paaralan ang nag-oofer nito, karamihan ay pampribato at sikat na paaralan. Nang matapos ang klase namin sa kanya ay agad nyang sininop lahat ng aming papel upang basahin at mabigyan ng marka.
Dumating ang huling buwan ng School year at ipinatawag niya ang sampung mapapalad na estudyangteng napili niya upang maging bahagi raw ng isang Foundation bilang skolar na inilapit raw sa kanya ng isang kapitan. Bilang guro, maaring ginawa nyang daan ang pagpapagawa ng sanaysay upang malaman kung sino -sino ang mga mas nangangailangan ng suporta at nakikitaan ng potensyal sap ag-aaral. Alam ko sa sarili ko na Malabo akong maging bahagi nito pagkat kabilang ako sa Section 1 kung saan mas maraming deserving kung talino ang pagbabatayan. Unti-unti nan gang tinawag ang mga pangalan ng mga napili at karamihan sa kanila ay kasama at Top of the Class at panlaban ng paaralan sa ibat-ibang larangan. Sa hindi ko inaasang pagkakataon ako at ang kaibigan ko na si Princes Mae Amante ang kumumpleto sa sampung mga tinawag. Gayun na lamang ang aming tuwa at kulang na lamang ay maglumpasay kami sa labis na katuwaan.
Dumating na nga ang araw kung saan, kami ay ipinakilala sa AMY Foundation at ipinaliwanag ang mga panuntunan upang maging ganap na skolar at kung paano mapapanatili ang prebilehiyong ibibigay. kasama ang aming guro na si Gng. Gavilan ay ipinakilala nya kami at binigyang diin ang kakayanan at karanasan ng bawat isa.
Ako at ang aking kaibigan ay magiging mag-aaral noon ng University of Caloocan City kung saan ay hindi pa kapartner ng foundation kung kayat mas mababa ang aming matatanggap kumpara sa walong naming kamag-aral na mag-aaral sa mga kapartner nito tulad na lamang ng PUP. Hindi ito nagging dahilan upang manghinayang at malungkot kami… bagkus ginamit namin ang ibinibigay na suporta ng foundation upang maitaguyod namin ang pag-aaral. We make sure na mapapanatili namin ang hindi bababa sa Gradong “DOS” upang hindi kami matanggal sa pagigigng skolar. Sa kabutihang palad dumating ang araw na itinataas ng foundation ang aming natatanggap pagkat sa sa aming sampu tangging kaming dalwa nalang ng aking kaibigan ang nakapagpanaliti ng pamantayang grado. Ako pala ay kumuha ng kursong TLE Education sa gabay at tulong narin ng aking third year adviser noon na si Maam Floralinda E. Alfaro.
Hindi nga nag naglaon ang isa lamang batang kapos sa pinansyal at matyagang nagtitiis sa sampo hanggang bente pesos na baon ay nakapag tapos ng kolehiyo sa tulong ng mga mabubuting tao at Samahan tulad ng AMY Foundation. Kayat bilang pagpapahalaga sa prebilehiyong ibinahagi noon sakin ng Amy Foundation, pinagbubutihan ko at buong pusong tinutupad ang aking tungkulin noon bilang guro sa pampublikong paaralan sa Malabon at ngayon ay ipinagpapatuloy ito sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Caloocan.
Bitbit ang mga natutunan at kasanayan lubos kong ipinagpapasalaamat at ipinagmamalaking minsan ay naging kabahagi ako ng isang samahang naglalayong tulungan ang mga batang nagnanais makapagtapos ng pag- aaral, kaya’t ikaw…. Oo ikaw na nagbabasa nito, sanaý na-inspire kita pagbutihan ang pag aaral at wag sayangin ang pagkakataong pili lamang at hindi lahat ay ang nabibigyan. At tayo naman na nakapagtapos na at tinatahak ang buhay propesyunal, maging kabahagi nawa tayo ng makabago, progresibo, at produktibong bansa. Muli nawaý napasaya ko kayo sa kwneto ng aking tagumpay.
“Hangad ko ang ikatatagumpay ng bawat mag-aaral na tulad mo.”
Special thanks: to Maam Ruth Tamayo
Norvin Albalate
Bachelor in Secondary Education
Major in Technology and Livelihood Education
Batch 2017